Friday, March 30, 2012

remembering those days


"Congratulations anak..I'm so proud of you" yan ang madalas kong makita ngayon sa wall ng aking facebook. Meron pa nga pati honors or award na nakuha ng anak nakalista o kaya mga studyanteng nagpapaalaman na kasi gagraduate na sila. Paramihan din ng pagkuha ng picture, REMEMBRANCE kung baga.. Kanya kanyang emosyon. Haizzzz di ko maiwasang di maalala ang mga masasayang araw. Ang feeling kapag ikaw mismo ang nakakaranas nito.

Labing isang taon na pala ang nakakaraan mula noong nagtapos ako ng high school. Parang kahapon lang nangyari yun dahil sariwang sariwa pa rin sa aking ala-ala. High school life. Isa sa pinakamasayang taon ng buhay ko. Dito ko nakilala ang mga una kong naging kaibigan, mga kaibigang tunay. Dito ko naranasan ang unang mainlove, unang masaktan, unang pagkakamali, nadapa at bumangon sa tulong ng aking kaibigan.

High school life on my high school life every memory kay ganda. High school days on my high school days so exciting kay saya. High school life ba't ang high school life ay walang kasing saya? BAKIT KUNG GRADUATION AY LULUHA.KANG TALAGA??? ;(

To all my friends during my high school days, thank you for all the memories.

No comments: