Friday, March 23, 2012

ang biyahe ng buhay


"Bilisan mo magbihis maiiwanan na tayo ng bus" yan ang lagi kong naririnig sa umaga kapag papasok na ang mga tao sa trabaho o kaya "anong oras yung sasakyan naming bus?" kapag may okasyon naman. Hay naku nakakamiss ang biyahe sa pinas, doon 24/7 kahit anong oras, minuminuto merong masasakyan. Di tulad dito may oras ang bawat daan ng bus, kapag di mo nakuha un bus kailangan mo ulit maghintay.

Naaalala ko pa noong nag aaral ako sa manila, hate na hate ko kapag naassign kami sa malayong hospital paniguradong kailangan mong magising ng maaga para lang di matraffic at malate. Gustong gusto ko noon kapag umaga ang duty namin un 6-2 kasi kapag sa ganoong oras ala pang masyadong traffic di kagaya kapag naabutan ka na ng 8am sa daan. Sa umaga din kasi okay pa mga tao may ngiti pa sa mga labi, amoy shampoo at pabango pa di tulad sa hapon amoy pawis na nga mahahalata mo pang pagod na sila dahil lahat sila nakasimangot na. Sa umaga todo ayos pa ang mukha samantalang sa hapon may oily na ang mukha, basa ang damit sa pawis, at yung iba naman tuyot na ang bibig.

Sa umaga kahit nagsisiksikan na para lang makasakay at makarating sa pupuntahan ay puro nakangiti pa rin dahil baon nila ay puno ng pag asa na magkakaroon ng magandang bunga ang maghapon nila pero pagdating sa hapon iba na ang itsura ng mga tao. Meron mga galit na kasi gustong gusto na nilang makauwi. Sa umaga gising na gising ang diwa ng mga tao samantalang sa hapon kung pwede nga lang maglatag na ng higaan sa sasakyan gagawin maipahinga lang ang hapong katawan.

Napakaganda ng binibigay ng umaga sa ating buhay dahil dito tayo nagsisimula. Sabi nga sa kasabihan "bagong umaga bagong pag-asa". Ngunit meron din naman naiibigay ang hapon sa atin, sa hapon may pagkakataon tayong magnilay nilay sa mga nagawa natin sa buong araw upang maitama ito sa darating na umaga. Ang hapon ang nagbibigay ng daan upang maging maganda ang ating umaga.

"Ganito ang mensahe ng isang araw sa buhay ng tao… ang mundo ay totoong umiikot ng hindi natin namamalayan. Gigising tayo tuwing umaga upang sulitin ang maghapon. Sasakay sa jeep upang pumunta sa kung saan, at hindi natin namamalayan na hapon na at kailangan na ulit nating pumara sa isang araw ng BIYAHE NG BUHAY."-BLOG ONG

No comments: